Linggo, Nobyembre 8, 2020

TUNAY NA KAIBIGAN

                      Tunay na Kaibigan


Namukadkad ang  bagong  na bulaklak

 Mga ibon ay umaawit sa tuwa't galak

  Dumaloy ang unang patak ng ulan sa lupa

   Panibagong araw, panibagong simula


 Puso at isipan ay puno ng pag-asa 

 Pag-asang magkaroon ng bagong samahan

 Bagong samahang hindi matitinag nino man

 Sa araw na iyon nabuo ng di inaasahan 


 Mula ng Ika'y makilala at makasama

 Pag-inog ng mundo ko'y biglang nag-iba

 Sa bawat araw na ikaw ang kasama

 Lahat ng problema'y kayang Kaya

 

Sa pag daan ng mga araw, buwan at taon

Samahan nati'y pinagtibay ng panahon

 Di man tayo palaging magkasama

Itsura mo sa isipan ko'y di mabubura


           Lensky M. Basalo Gr. 12-Raven