Tunay na Kaibigan
Namukadkad ang bagong na bulaklak
Mga ibon ay umaawit sa tuwa't galak
Dumaloy ang unang patak ng ulan sa lupa
Panibagong araw, panibagong simula
Puso at isipan ay puno ng pag-asa
Pag-asang magkaroon ng bagong samahan
Bagong samahang hindi matitinag nino man
Sa araw na iyon nabuo ng di inaasahan
Mula ng Ika'y makilala at makasama
Pag-inog ng mundo ko'y biglang nag-iba
Sa bawat araw na ikaw ang kasama
Lahat ng problema'y kayang Kaya
Sa pag daan ng mga araw, buwan at taon
Samahan nati'y pinagtibay ng panahon
Di man tayo palaging magkasama
Itsura mo sa isipan ko'y di mabubura
Lensky M. Basalo Gr. 12-Raven
Nakaka iyak yun idol
TumugonBurahinIba talaga
TumugonBurahinmagaling
TumugonBurahinWow galing naman
TumugonBurahinNapakagandang tula....
TumugonBurahin